Isang mag-aaral mula sa Quezon City Science High School ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa 2024 REGENERON International Science and Engineering Fair (ISEF) na gaganapin sa Los Angeles, California, USA mula sa Mayo 11 hanggang Mayo 18, 2024.

Si Josiah Christopher Q. Cruz, Grade 11, ang napiling pambato para sa Biomedical and Health Sciences (BMED) Category ng nasabing prestihiyosong kompetisyon, sa pamamagitan ng paglalahad ng kaniyang research at inobasyon patungkol sa paksang "Anticancer Potential of Molave (Vitex parviflora Juss.) Crude Leaf Ethanolic Extract Against Lung Cancer Cells (A549 and GL01)," katunggali ang iba pang kinatawan sa iba pang panig ng mundo.

Photo courtesy: Earl Francis C. Merilles

Photo courtesy: Earl Francis C. Merilles

Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno

"His participation highlights his achievements and serves as a testament to Filipino youth's collective potential in science, technology, engineering, and mathematics (STEM)," saad ng kaniyang research adviser na si G. Earl Francis C. Merilles, Master Teacher II sa asignaturang Science.

"We believe that featuring Josiah Christopher Q. Cruz journey to the 2024 REGENERON ISEF would not only honor his remarkable achievement but also inspire countless other young minds across the nation to pursue their passions in STEM fields," dagdag pa ni Merilles.

Photo courtesy: Earl Francis C. Merilles

Photo courtesy: Earl Francis C. Merilles

Sa ngalan ng pamunuan ng Quezon City Science High School, sa pamumuno ng pununggurong si Bb. Carolyn C.Simon, ngayon pa lamang daw ay nagpapaabot na sila ng pagbati para kay Cruz.

Pinasasalamatan din nila ang iba pang mga nakasama ni Cruz sa pagsasa-pinal ng pananaliksik; ang kaniyang mga kaibigang sina Lawrence Elbert M. Bunagan, Yesha P. Pano, at Hannah Abigail S. Salvador. Dahil indibiduwal lamang ang kinakailangan sa kompetisyon, si Cruz na siyang pinuno ng koponan ang tanging ipadadala upang katawanin ang paaralan at bansa.