Dumami umano ang bilang ng mga nagbuntis sa Naga City simula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Sa ulat ng local news na Brigada News-Naga, nakapagtala ng 754 na mga nagbuntis ang Naga City Health Office. Mas mataas daw ito kumpara sa 242 na nagbuntis noong Abril 2023.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dagdag pa ng kanilang ulat, sinabi ni Margarita Romina Barrion, Registered Nurse 1, Safe Motherhood at Adolescent Coordinator, hindi umano nila inaasahan na tataas ang bilang ng mga magbubuntis gayong mainit ang panahon. Malaki raw ang epekto ng ganitong panahon sa pagbubuntis ng isang babae dahil maaari raw maapektuhan ang development ng sanggol.

Samantala, sa panayam ng Brigada News-Naga sa Population Program Officer IV ng Naga City Population and Nutrition Office na si Joy Macaraig, tumataas daw ang sexual desire ng isang tao kapag mainit ang panahon dahil tumataas ang libido at temperatura nito sa katawan.