Tila maraming naka-relate sa viral Facebook post ng isang Education graduate na nagngangalang "Khastria Ruezel Sevilla Caballe" matapos niyang isalaysay ang "pressure" na pinagdaraanan sa sariling pamilya at kaanak.
Sa kaniyang mahabang Facebook post na may pamagat na "RELATIVES/FAMILY PRESSURE IS WORST," kaakibat ng pag-aaral ay pressure lalo na kapag sabay-sabay ang mga gawain, proyekto, at school requirements na kailangan nilang ipasa sa mga kurso o asignaturang pinag-aaralan nila.
Inakala rin ni Sevilla na matatapos na ang pressure sa buhay niya kapag nakatapos na ng pag-aaral. Nagtapos siya bilang cum laude, at ang sumunod na pressure pala ay paghahanap ng trabaho.
Kahit cum laude ay hindi naging madali kay Sevilla na makahanap ng trabaho, hanggang sa mapadpad siya sa isang propesyon na "mismatched" sa tinapos niyang degree, ang pagtuturo, na nakatutulong naman sa mga araw-araw na gastusin sa buhay, at nakakapagbigay pa sa mga magulang.
At ang mas nakaka-pressure pa raw, ang mga kaanak na nagtatanong, nagtataka, at nasasayangang hindi siya nagtuturo. Paulit-ulit na lamang daw itong natatanong at "naipamumukha" sa kaniya.
Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa siya kumukuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) dahil sa pressure na baka hindi siya makapasa gayong cum laude graduate siya.
Nag-uugat din ang pressure kay Sevilla dahil sa mga naranasang "doubt" sa kaniya ng mga mismong kaanak na baka hindi niya kayanin at hindi siya makatapos ng pag-aaral.
"Lalo na humirap sakin ngayon kung dapat pa ba akong mag board o hindi na. Now, I'm doubting myself AGAIN and I'm asking myself. Tama ba tong kinuha ko. (Which makes my mental health unhealthy.)"
"Yung trabaho na meron po ako ngayon, sobra sobra na po ang pasasalamat ko kase meron po ako nito. Hindi nyo po alam na napakalaking tulong na sakin at sa pamilya ko ang trabaho na meron ako."
"I have my own decisions. Hindi nyo po ako kailangang diktahan sa bawat gagawin ko. Darating din po ako dun, hindi lang po sa ngayon," aniya pa.
Marami naman sa mga netizen ang naantig sa kaniyang post. Ang iba ay nakaugnay at nakita ang sarili sa sitwasyon ni Sevilla, habang ang ilan naman ay nagpayong huwag intindihin ang pressure ng iba, mapa-kamag-anak man, pamilya, o kaibigan.
"Sana maintindihan ito ng mga matatanda at mga kasabayan nating makitid amg utak at insensitive na pilit iniimpose sa atin ang kanilang standards. Rooting for everyone's success."
"Kung saan ka magiging masaya, i-Go mo na!š« Life is too short para sayangin ang oras mo sa mga bagay o tao na magbibigay sayo ng sakit, lungkot at ng regrets. Mas tahimik yung buhay mo kung di mo na papansinin pa yung mga taong nagbibigay lang ng negatibong enerhiya sa'yo."
"Unfriend sa socmed is the key para sa mga relatives na ganyan haha."
"Life is cruel, be kind. Laloāt higit sa sarili mo. Sadyang may mga pagkakataon at mga tao (wala namang ambag sa buhay mo) na tila basehan ng respeto ay kung ano ang natapos at narating mo."
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Sevilla sa lahat ng magagandang mensahe at words of encouragement para sa kaniya.
"Thank you so much po sa inyong lahat š„ŗš«¶ hindi ko man po kayo maisa-isa sobra sobra ko po kayong na-aappreciate lahat šā„ļø," aniya.
Sa panayam ng Balita kay Sevilla, minabuti niyang gawing pribado ang propesyong trabaho niya ngayon kung saan masaya naman siya dahil nakakapagbigay siya ng intrega sa bahay.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ādi kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingĀ FacebookĀ atĀ Twitter!