May simpleng mensahe si House Senior Deputy Majority Leader Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos para sa kaniyang ina na si First Lady Liza Araneta-Marcos para sa darating na Mother’s Day, Mayo 12.

Sa isang media interview nitong Miyerkules, Mayo 8, natanong kay Marcos kung ano ang mensahe niya para sa ina.

“I hope na huwag siyang magalit nang masyado… Not to be too mad anymore,” aniya.

Paliwanag niya, naninibago lang daw ang kaniyang ina dahil sa labis na publicity nito: “Naninibago lang siya. Like she’s not used to being exposed to this much publicity so I understand where she’s coming from.”

Dagdag pa niya, hindi gaya niya at ng kaniyang ama na si Pangulong Bongbong Marcos, bago lamang ang First Lady sa gano’ng publicity.

“Well to tell you the truth, sanay na ako. I’ve been in politics long enough to know that that’s how the game works. And my dad, same thing, it’s nothing new. There have always been accusations… there always have been mud-slinging so that’s nothing new,” ani Marcos.

“My mother is not quite as used to it as we are, as the both of us. So, you know, her reaction from that interview I think that people see is I guess, is one of a wife who is being protective of her husband.”

Matatandaang laman ng balita noong Abril ang First Lady dahil sa kaniyang panayam kay  Anthony Taberna dahil sinagot niya ang mga isyung ipinupukol umano sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Nag-iwan din siya ng mensahe sa kaniyang mga kritiko.

“Bring it on, honey. You are the size of your enemy. I will never stoop down that level. Everytime they say that, they become uglier and uglier. Just look at their face ‘di ba? Tayo, cute pa rin tayo. What a life. Bring it on. There is such thing as karma,” saad ni Araneta-Marcos.

BASAHIN: Liza Marcos sa mga Duterte, kritiko: ‘Bring it on. They become uglier and uglier’

Bukod sa nabanggit, maraming topic din ang nabuksan sa naturang panayam. Kagaya na lamang ng reaksyon niya tungkol sa patutsada ni Atty. Glenn Chong sa kanila ng kaniyang asawang si Pangulong Bongbong Marcos.

Matatandaang walang patumpik-tumpik na sinabi ni Chong na minanipula umano ni PBBM at First Lady ang eleksyon noong 2022.

BASAHIN: First Lady Liza nag-react sa patutsada ni Glenn Chong na nandaya sila no’ng eleksyon

Sumunod dito, isiniwalat din ng First Lady na lumapit daw sa kaniya ang bloggers na sina Sass Sasot at RJ Nieto dahil may kinahaharap umano silang kasong cyberlibel.

BASAHIN: Sass Sasot, RJ Nieto lumapit daw kay FL Liza Marcos dahil sa kasong cyberlibel

Pinalagan naman ni Sasot ang pahayag ni Araneta-Marcos. Aniya, kaya sila nakipagkita sa First Lady dahil kailangan nito ang tulong nila at hindi dahil sa kasong kinakaharap nila.

BASAHIN: Sass Sasot pumalag kay FL Liza: ‘You needed our help… tae ang tingin sa inyo noon’

Samantala, nang maitanong kay Araneta-Marcos ang tungkol sa relasyon nila ni Vice President Sara Duterte, isiniwalat niyang “bad shot” sa kaniya ito.

BASAHIN: VP Sara ‘bad shot’ na kay FL Liza: ‘She crossed the line’

At huli, ipinagmalaki ng First Lady na mababait ang kanilang tatlong mga anak ni PBBM  dahil wala raw siyang nababalitaang may binugbog o kaya naman ay may “tattoo” ang mga ito.

BASAHIN: FL Liza, mababait daw mga anak: ‘Wala pa’kong narinig na may binugbog sila o may tattoo sila’