Ibinahagi ng drag artist na si Mac Coronel o mas kilala bilang “Taylor Sheesh” ang umano’y sandata niya mula sa naranasang pambu-bully sa mga nakalipas na taon.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Mayo 7, tinanong ni Boy si Taylor kung anong klaseng homophobia ang nararanasan niya habang lumalaki.

“‘Yong parang ‘pag bakla automatic mahina. Wala kang laban. Tapos salot,” lahad ni Taylor.

“Bakit hindi ka lumaban?” sundot na tanong ni Boy. 

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

“Takot ako no’n. Takot na takot. Medyo [sinasaktan ako]. Napili kong manahimik nang ilang taon. [‘Yong pananahimik ko] was my defense and my weapon.”

Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay nag-viral ang tungkol sa umano’y pananapak kay Taylor nang mag-perform siya sa Kalutan Festival sa Bayambang, Pangasinan. 

MAKI-BALITA: Taylor Sheesh, sinapak ng lalaki habang nagpeperform sa Bayambang, Pangasinan

Nakilala si Taylor Sheesh dahil sa pag-iimpersonate niya kay award-winning international singer-songwriter “Taylor Swift.”