Nagbahagi ang aktres na si Coleen Garcia ng kaniyang dalawang magkaibang larawan sa social media account niya kamakailan.
Sa unang Instagram story, makikita ang maayos na larawan ni Coleen na aniya’y inaakala ng mga tao na hitsura niya kapag nasa bahay siya.
Samantala, ang ikalawang larawan naman ay ang isang bersyon ng sarili niya sa loob ng bahay na hindi nakikita ng iba.
“I look sick. I look pale. I look depressed. My hair's a frizzy mess, esp in this insane heat. No it's not ‘cause of bisyo. It's not cause of unbearable stress or marital problems or depression. It's because I'm human. We all are. I break out, I get tired, I am getting older every day,” pahayag ni Coleen sa text caption ng kaniyang IG story.
“Anyone can bash, judge, speculate. Or we can lessen that, & make it SAFER for people to be unapologetically authentic. Cause no one should ever have to feel like they need to put on a mask just to be accepted,” aniya.
Dagdag pa ng aktres: “Showbiz is a switch we turn on until we get to shed the makeup, the hair extensions & the pretensions and just BE. We complain abt how everything on social media is so fake & filtered, and then in the same breath, we bash what's real when we feel like it's not pretty enough for us.”
Ipinost ito ng aktres matapos kumalat at umani negatibong reaksyon ang video clip ng asawa niyang si Billy Crawford dahil sa umano’y pamamayat nito.