Naaliw at natuwa ang mga netizen sa isang viral video ng nagngangalang "Christian Garcia Valdez" matapoos niyang ibahagi ang ginawa nila sa mga left over o natirang piraso ng karne matapos nilang kumain ng samgyeopsal o Korean barbeque.

Kadalasan kasi sa mga unlimited samgyeopsal, mahigpit na ipinagbabawal ang left over sa mga karne. Kapag ganito, may dagdag na bayad ang customer sa mga nasayang na pagkain.

Kaya naman, naisipan na lamang ni Christian na sa halip na masayang ang mga natira at pagbayarin pa sila, ipinakain na lamang nila ito sa stray dogs na nagkataong malapit sa kanila.

"May bayad daw left over, mabuti na lang may mga to the rescue," aniya sa caption ng post, na tumutukoy nga sa mga aso.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

300 piso raw ang bayad sa mga matitirang pagkain kung sakali.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Humanity"

"Oh di ba nabusog pa sila hehe"

"tama kaysa naman sa masayang, bayad na rin naman 'yan!"

"NakatulOng pa sa mga asong Gutom"

"good humaritans yung iba makarefills sa mga samgyeop pero nde naman nauubos"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 1.1M views, higit 40k reactions, at 1.4k comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!