Nag-viral kamakailan ang isang artikulo ng Balita tungkol sa “pagsasariling-sikap” ng Kapuso actor na si EA Guzman. Sa isang bahagi kasi ng panayam nila ng jowa nitong si Shaira Diaz, tinanong ni showbiz insider Ogie Diaz kung kailan huling ginawa ni EA ang “karaniwang ginagawa ng mga lalaki.”

“Ako siguro, a year. Isang taon na,” saad ni EA.

Ayon kasi sa aktor, nakokonsensya raw siyang gawin ang pagbabate. Gusto raw niyang i-save ang semilya niya sa araw na sila ay makasal ng fiancee niyang si Shaira Diaz.

“Parang hindi totoo, ‘no? Pero kinakaya niya,” segunda naman ni Shaira.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

MAKI-BALITA: EA Guzman, isang taon nang hindi nagbabate

Ngunit ano-ano nga ba ang mga benepisyo at panganib na dulot ng “pagsasarili” sa kalalakihang tulad ni EA.

  1. Mababawasan ang risk na magkaroon ng prostate cancer

Ayon sa isang artikulo ng Men’s Health, natuklasan umano sa isang pag-aaral noong 2004 na ang mga lalaki raw na “nagsasariling-sikap” ng 21 beses kada buwan ay bumababa ng 33% ang posibilidad na magkaroon ng prostate cancer kumpara sa mga “nagsasariling-sikap” ng 4 hanggang 7 lang beses kada buwan.

  1. Makakaiwas sa unwanted pregnancy at sakit na tulad ng HIV at AIDS

Dahil nga solitaryong gawain ang masturbation, hindi mo kailangang mag-alala kung nakabuntis ka nang hindi pa handa. Hindi ka rin mag-aalala kung nahawahan ka ng sakit na human immunodeficiency virus o HIV na sumisira sa immune system ng katawan. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroon din nito. Kapag hindi agad nalunasan, maaaring lumala ito at maging AIDS o acquired immunodeficiency syndrome.

  1. Nakakabawas ng stress

May dulot na lugod sa isang “nagsasariling-sikap” kapag naabot na niya ang tinatawag na “rurok ng kaluwalhatian.” Ito ang yugto kung kailan nailabas na ng isang lalaki ang semilyang nasa ari niya. Dahil sa pakiramdam na hatid nito, posibleng mabawasan ang nararanasan niyang stress sa buhay—sa trabaho man o sa bahay. 

  1. Nakakatulong sa mabilis na pagtulog

Nabanggit sa itaas na may naibibigay na lugod sa isang tao ang “pagsasariling-sikap.” Sa oras kasi na maabot na niya ang “rurok ng kaluwalhatian,” nagpo-produce ang utak niya ng mga neurochemicals gaya ng oxytocin, serotonin, vasopressin, at prolactin na pare-parehong tumutulong sa mabilis na pagtulog.

Pero ayon sa artikulong “Does Masturbating Help You Sleep?” na inilathala sa website ng Manual: “It’s also normal to find you can’t sleep after masturbating, because of other chemicals released in your body during arousal that make you energized.”

“It’s important to note that while feeling relaxed and happy may ease sleep, it doesn’t necessarily make you feel sleepy. The hormone that does this is melatonin, which has nothing to do with orgasm or masturbation. Your body naturally releases this before bed, but it can be affected by factors like light exposure and sleeping patterns,” dagdag pa rito.

  1. Nakakatulong para tumagal sa “pakikipagbakbakan” sa kama

Kapag handa ka na sa pakikipagtalik, ang “pagsasariling-sikap” ang isa umano sa magagandang paraan para tumagal ka sa kama kasama ang partner mo o asawa. Ayon sa isang artikulo ng “Planned Parenthood,” makakabuti na “makapagsariling-sikap” muna 1 hanggang 2 oras bago ang mismong “pakikipagbakbakan.” Sa ganitong paraan kasi ay magkakaroon ng panahon ang katawan mo na muling makapag-orgasm.

Pero syempe, lahat ng sobra ay masama kahit ano pa mang mga benepisyong dulot nito. Kailangan ding matutong magkontrol. Suriin ang sarili dahil baka hindi na pala ito nakakabuti sa ‘yo. 

Ayon kay Dr. Jondi Flavier sa isang panayam niya sa One PH, dalawa lang naman ang kadalasang indikasyon para masabing sobra na ang “pagsasariling-sikap.”

“Una, ‘pag kinabukasan ay hirap mong gawin ang mga dapat mong inaasikaso o ang iyong trabaho. Baka sobra na ang pagsasalsal mo sa gabi,” aniya.

Dagdag pa niya: “Pangalawa, ‘yong pakikitungo mo sa iba. Kasi kung sariling-sikap na lang ang ginagawa mo, hindi ka na nakikitungo sa iba baka may problema na ‘yan.”

Kaya naman ang paalala ng Balita sa lahat ng kalalakihan: “masturbate responsibly.”