Naglahad ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz matapos i-repost ng aktres na si Liza Soberano ang ulat ng pagdedemanda sa kaniya ni Kapuso star Bea Alonzo. 

MAKI-BALITA: Liza Soberano, ni-repost ulat ng pagkaso ni Bea Alonzo kina Ogie Diaz, Cristy Fermin

Ito ay matapos niyang ilatag ang panig niya kaugnay sa pagsasampa ni Bea kamakailan ng kasong cyber libel laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, handang dumepensa sa demanda ni Bea

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

MAKI-BALITA: ‘Buksan n’yo man ang puso ko:’ Ogie Diaz, ‘di galit kay Bea Alonzo

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Mayo 6, sinabi ni Ogie na wala naman daw problema para sa kaniya ang ginawa ni Liza.

“Sa akin, walang problema ‘yon. Okay lang. Karapatan niya ‘yon, e. Account niya ‘yon, e [...] Kasi ako, sa akin lang ‘no, kung makakatulong sa career ni Liza ‘yong pagre-repost edi i-repost niya nang i-repost,” saad ni Ogie.

Kaya naman, nang tanungin siya ng co-host niyang si Dyosa Pockoh kung may tampo siya sa aktres, sinabi na lang niya na masyado na raw siyang matagal sa industriya para magtampo pa sa gano’ng bagay.

Samantala, bukod kay Liza, ni-repost din ang ama nito ang naturang ulat. Pero ayon kay Ogie, hindi na raw niya pinapansin pa ito dahil simula’t sapul ay tila hindi na raw talaga maganda ang pakikitungo nito sa kaniya.

Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo umano siya sa dating manager na si Ogie matapos siya nitong tawaging ungrateful.

MAKI-BALITA: Liza, may tampo kay Ogie Diaz: ‘It feels like he’s trying to ruin me’