Isang low pressure area (LPA) ang posibleng makapasok sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na weekend, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Mayo 7.
Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni Weather Specialist Rhea Torres na posibleng makaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa ngayon ay ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, pa rin daw ang patuloy na nakaapekto at nagdadala na malinsangang panahon sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.
May mga tsansa pa rin naman ng mga pulo-pulong pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil na rin localized thunderstorms, ayon kay Torres.
Samantala, mayroon daw namamataan ang PAGASA na kumpol ng kaulapan o cloud cluster sa labas ng PAR na hindi naman nakaaapekto sa alinmang bahagi ng bansa.