Naglabas ng public apology ang isang dating university professor matapos niyang angkinin ang thesis na gawa ng kaniyang advisee na isang graduate student.
Sa isang Facebook post ng Department of English Language and Literature of University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan, Cotabato nitong Lunes, Mayo 6, humingi ng tawad ang isa sa kanilang mga faculty member na si “Riceli C. Mendoza” sa kaniyang advisee na si “Jemima M. Atok,” isang AB English graduate, matapos daw niyang i-plagiarize ang gawa nito.
“My sincere apology to 𝗝𝗲𝗺𝗶𝗺𝗮 𝗠. 𝗔𝘁𝗼𝗸, AB English graduate and my advisee, for the emotional pain that I have caused you and your family,” nakasaad sa isinapublikong sulat na may petsang Mayo 2, 2024.
Samantala, inamin din ni Mendoza na inilathala niya ang thesis ni Atok sa ilalim ng kaniyang pangalan.
“I am very sorry to publish your thesis in my name. I am truly sorry that I failed to recognize you as the author and the owner of the published paper/article. Instead, I claimed it as my own,” ani Mendoza.
“I honestly acknowledge my fault and rest assured that this may never happen again in the history of academic endeavor. I earnestly implore your forgiveness. Please accept my sincere apology, Jemima and family.”
“I am Riceli C. Mendoza, a former faculty member of the Department of English Language and Literature, University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato,” saad pa niya.
Hindi naman na binanggit kung anong thesis ni Atok ang inilathala sa ilalim ng pangalan ni Mendoza.
Samantala, habang sinusulat ito’y wala pang tugon o reaksiyon si Atok sa inilabas na public apology ni Mendoza. Hindi pa rin malinaw kung ano ang kahaharapin ng dating propesor dahil sa kinasangkutang plagiarism.