Maraming Pilipino umano ang hindi naniniwala na luho ang pagbili ng mga libro ayon sa 2023 National Readership Survery na inlabas kamakailan.

Sa Facebook post ng National Book Development Board (NBDB) nitong Lunes, Mayo 6, makikita ang art card ng naturang survey na isinagawa noong Nobyembre 14-20, 2023 sa 2, 400 na matatanda at 2, 400 na mga bata.

“Batay sa inilabas na resulta ng 2023 National Readership Survery kamakailan, mas nakararami sa mga tinanong na adult at bata ay nagsabing hindi matatawag na luxury o luho lang ang pagbili ng libro,” pahayag ng NBDB.

“Kaya naman importante ang paglaganap o pagdami pa ng mga de-kalidad na reading materials na tutugon sa pangangailangan ng mga nagbabasang Pinoy, at sa hangaring makahihikayat pa ng mga mahihilig na magbasa,” dugtong pa nila.

Samantala, marami namang naniniwala na ang libro ay isang magandang regalo at ang pagbabasa ay isang mabuting gawain sa mga libreng oras.

Matatandaang kamakailan lang ay inilunsad ng NBDB ang Philippine Book Festival sa World Trade Center para lalong paigtingin ang kultura ng pagbabasa sa bansa.

MAKI-BALITA: Ikalawang edisyon ng Philippine Book Festival, ilulunsad sa World Trade Center!

Isa sa mga dumalo at nagsilbing tagapanayam sa naturang pagtitipon ay ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee .

MAKI-BALITA: Ricky Lee sa aspiring writers: ‘Write from who you really are’