Ibinahagi ng vlogger at komedyanteng si Chad Kinis ang naranasan niyang pambubugbog ng ama niya noong siya ay bata pa lamang.

Sa latest episode ng Toni Talks nitong Linggo, Mayo 5, sinabi ni Chad na hinahampas raw siya ng ama niya ng tambo kapag nakikita nito ang kalambutan niya.

“Sa lugar namin, respetado ang tatay ko kasi lalaking-lalaki ang tatay ko, e. Kapag nakakita siya ng kaunting kalambutan ko, hinahampas ako ng tambo,” lahad ni Chad.

“Ayaw niyang magkaroon ng anak na gay?” tanong ni Toni.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Feeling ko, alam niya naman. Kaya lang, in denial din siya. Ta’s siguro umaasa siyang magbabago pa ako,” sagot ni Chad.

“Sabi niya sa akin: ‘para maging lalaki ka, ulitin mo lang ‘yong sasabihin ko. Kailangan matigas, ha. Sabihin mo: bato!’ Pag ‘di ko tinigasan, sinusuntok ako. Syempre ako, titigasan ko kasi ayaw kong masaktan,” aniya.

Dagdag pa niya, ang pinakamalalang naalala raw niyang pananakit sa kaniya ng ama niya ay noong hinahataw siya nito ng payong habang naglalakad.

“Dalawang kanto nilalakad ko na hinahataw niya ako ng payong pauwi. Nasa labas ako kumekendeng. Pagdating sa bahay, naputol ‘yong payong. Ginawa niyang ice pick. Naputol sa akin kakapalo,” sabi pa niya.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, isiniwalat ni Chad ang dahilan kung bakit siya nahihirapang sumabay sa mga kapuwa niya komedyante.

MAKI-BALITA: Chad Kinis, nahihirapang sumabay sa mga kapuwa komedyante