Nagbigay ng komento ang isang Facebook account na nakapangalan sa ama ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na si Richard P. Faulkerson sa isang pekeng quote card.
Sa isang post ng Facebook page na Showbiz Balita kamakailan ay makikita ang naturang quote card kung saan nakasaad doon ang mensahe ni Alden sa ex-jowa ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.
“Kathryn gave her love and trust to you pati na ang future niya for how many years pero niloloko mo lang pala. On cam ka lang pala loyal and sweet pero sa likod ng camera dugong Padilla ka talaga,” saad sa quote card.
Dagdag pa rito: “Please bro, huwag mo nang guluhin pa si Kath. Huwag kang selfish. Malaya na siya ngayon sa mundong ginagalawan niya.”
Kaya naman, pumalag ang Facebook account na nakapangalan sa ama ni Alden: “‘Wag ganyan. Hindi ganyan ang anak ko. Abuso ka na. ‘Wag mo hintayin na ipa-NBI din kita. Papahanap ko kung sino ka.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Nag pasikat lang yan alden niyo para sisikat kasi wala na siya ka loveteam sa GMA at nakita niya sisikat siya sa feeling ni kath pag cila mag love team ??matalino din siya kumakapit sa sikat at brokenhearted ?✌️?"
"Matagal ng nka move on c DJ masaya na rin sya sa mundo ng ginagalawan nya ngayon? fans nlng ang d nka move on panay parinig✌?"
"akala ko mabait si alden ??? my tinatago din pala ?"
"Alden would never say that...Ginawa nyo naman syang masama"
"Alden will never say this. I know him to be a good person."
"hindi yan si alden hindi mayabang magsalita si alden at educado yon"
Matatandaang kumalat kamakailan ang video clip ni Daniel habang kinakanta niya ang “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya sa kaniyang 29th birthday celebration.
MAKI-BALITA: ‘May kapiling ka ng iba!’ Daniel, napamura habang bumibirit ng kanta sa birthday celebration
Tila ipinagpapalagay ng marami na ang pinatutungkulan ni Daniel ay ang pagkakamabutihan nina Kathryn at Alden.
Lumutang kasi kamakailan ang kuwento na nanliligaw na raw si Alden kay Kathryn. Bukod pa rito ang kuwento na mas bet daw ito ng mga magulang ng aktres kaysa kay award-winning actor Jericho Rosales.
MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo
MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?
Pero sa isang panayam ay sinabi ni Daniel na masyado lang daw OA ang mga tao dahil ini-ejoy lang naman umano niya ang pagkanta kaya siya napamura.
MAKI-BALITA: Daniel Padilla sa viral video niya habang kumakanta: ‘Masyadong OA ang mga tao!’