Sinagot ni "Pinoy Big Brother" director Laurenti Dyogi ang isa sa mga akusasyon ng mga netizen sa reality show na pawang mga guwapo at magaganda lang ang pinipiling housemates dito.

Sa official TikTok account ng PBB Gen 11, nagpakatotoo ang direktor na totoo namang ang unang napapansin ng mga tao ay may "face value."

[embed]

"Eh siyempre madalas naman po 'yon ang una nating nakikita, 'yong guwapo't magaganda, hindi n'yo po pinapansin 'yong mga mas ordinaryo looking people. Pero sa PBB we are also known to have that..." ani Dyogi.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Hindi naman daw kailangang kasingganda ni Kathryn Bernardo o kasingguwapo ni Joshua Garcia ang mga magiging housemate. Dito ay nabanggit ng PBB director na si Joshua nga raw, wala pang limang segundo ay napansin na niya nang mag-audition ito mula sa isang mall sa Marikina.

Kaugnay nito, sinagot din ni Dyogi ang mga espekulasyong may napili na silang papasok sa loob ng Bahay ni Kuya bago pa man ang auditions.

MAKI-BALITA: ‘Paulit-ulit na lang!’ PBB housemates, napili na bago pa magpa-auditions?