Isiniwalat ni TV host-actor Luis Manzano ang pagsailalim niya sa biopsy matapos mapansin ng kaniyang make up artist at hairstylist na si Jo Garcia ang lumalaking nunal sa ulo niya.

Sa latest vlog ni Luis nitong Sabado, Mayo 5, sinabi ni Luis na bata pa lang daw siya ay alam na naman niyang may nunal na raw talaga siya sa ulo. In fact, ginagawa pa nga raw niyang biro ang pagkakaroon nito.

“Akala ko dati pa, nunal. Kaya niloloko ko ‘yong mga tao na matalino ako may nunal ako dito [sa ulo].... Bata pa ako, alam ko nang may ganyan na ako,” kuwento ni Luis.

“So, nag-attend kami no’ng party para kay Mr. M kasama ko si Haw-haw, inaayusan ako ng make up artist, hairstylist ko dyan na si Jo Garcia kung saan alam naman niya na may nunal ako dito. Noong nakapa niya, sabi niya: ‘Parang lumaki ‘yong nunal mo dyan,’” aniya.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

Kaya naman, nagpasya si Luis na ipakonsulta sa Belo Alabang ang naturang nunal sa ulo niya. Pagkatapos maisagawa ang kinakailangang procedure, mukhang okay naman daw ito. 

Pero para makasiguro, ipinatingin din niya sa tatlo pang surgeon ang nunal at iminungkahi nitong ipa-biopsy. Ang biopsy ay isang pagsusuri sa tissue mula sa katawan ng isang tao para matukoy kung cancerous ba ito o hindi.  

Sa awa ng Diyos, mabuti naman daw ang lumabas na resulta makalipas ang isang linggo. Pero may kailangan pa rin daw niyang sumailalim sa blood test para higit na makasiguro. 

“Pray for me guys,” hiling ni Luis.

Pagkatapos isagawa ang naturang blood test, benign o clear ang lumabas na resulta. At bilang mini-celebration, nagpagupit si Luis ng kaniyang buhok.