Ibinahagi ng aktor at direktor na si Eric Quizon ang advantage na mayroon ang tulad niyang anak ni “Comedy King” Dolphy.

Sa latest episode ng “TicTALK with Aster Amoyo” noong Biyernes, Mayo 3, sinabi niya na parang ang lahat ay inihahain na lamang sa kaniya dahil siya ay anak ng comedy king.

“Kumbaga, parang ‘Ay! Anak ni Dolphy ‘to.’ Parang everything was like automatic, parang special treatment ka parati. Parating you’re on the top of the list. Basta it entails certain privileges,” pahayag ni Eric.

Sa kabilang banda, ibinahagi rin ni Eric kung ano ba ang disadvantage kapag anak ni Dolphy.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

“I think ang pinaka-advantage lang talaga is you always be the son of Dolphy. I will always be a son,” saad niya.

“Kumbaga parang maski anong gawin ko, maski tumambling ako, sumirko ako, lumulon ako ng mga apoy, baligtarin man ang mundo, anak lang ako ni Dolphy,” wika niya.

Dagdag pa ni Eric: “And sa akin, wala ‘yon. Because for me, like I said, being a son alone is I’m very proud to be a son. Hindi ako maghahanap ng ibang tatay. Papiliin man ako kung sino ang magiging tatay ko ulit, siya ang pipiliin ko.”

Gayunpaman, ginawa pa rin daw ni Eric ang best niya upang makilala sa sarili niyang husay at talento.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat naman ni Eric kung sino ang first girlfriend niya sa showbiz industyr.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, unang jowa ni Eric Quizon sa showbiz