Patuloy pa rin ang pag-iral ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa buong bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Mayo 5.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni Weather Specialist Grace Castañeda na inaasahang magdadala pa rin ang easterlies ng maalinsangang panahon sa buong bansa lalo na tuwing tanghali.

Kaya naman pinaalala ni Castañeda sa publiko na huwag kalilimutan ang mga pananggalangan sa direktang init ng araw.

Samantala, posible pa rin naman daw ang mga pulo-pulong pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng localized thunderstorms.

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

Sa kasalukuyan ay walang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).