Muli raw napansin ng mga netizen na tuluyan nang "nilinis" ni Kapuso star Bea Alonzo ang kaniyang Instagram account at inalis na ang lahat ng posts, larawan, at videos na may kinalaman sa kaniyang ex-boyfriend na si Dominic Roque.
Kahit ang joint statement na inilabas ng aktres, na nagkukumpirmang hiwalay na sila ni Dom, ay burado na rin daw.
Wala na rin ito sa Instagram account ni Dominic.
Lalo na siyempre ang pinag-usapang wedding proposal ng dalawa, kung saan sorpresang lumuhod na sa kaniyang harapan si Dom para i-alok ang singsing para hingin ang kaniyang kamay.
Hindi ito ang unang beses na napabalitang nagbura ng posts si Bea na kasama niya ang ex-jowa.
MAKI-BALITA: Dominic, ‘binura’ na ni Bea sa buhay niya
Matatandaang noong Pebrero ay naglabas ng opisyal na pahayag si Bea sa "mutual decision" nila ni Dominic na hindi na ituloy ang kasal.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque
Habang dumaraan ang mga araw at buwan ay patuloy na pinag-usapan ang puno't dulo ng kanilang hiwalayan. May mga umasam pang sana ay magkabalikan sila.
Ngunit nitong Mayo 2, nagulat ang lahat nang magsadya si Bea at legal counsel sa Quezon City Prosecutor's Office para magsampa ng tatlong magkakahiwalay na criminal case na may kinalaman sa cyber libel, laban kina showbiz insiders Cristy Fermin at Ogie Diaz.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz
Naglabas na rin ng kani-kanilang reaksiyon ang mga idinedemandang personalidad.
MAKI-BALITA: Cristy sa demanda ni Bea: ‘See you in court!’
MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’
MAKI-BALITA: Ogie ‘nang-agaw’ ng moment, nag-sorry kay Vhong