Nasisira na ang Sandy Cay na bahagi ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang isinapubliko ni Dr. Jonathan Anticamara ng University of the Philippines (UP)-Institute of Biology matapos ang kanilang pag-aaral, katulong ang Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Marso.

Binanggit ni Anticamara, nasira na ang coral, nangamatay na rin ang mga isda at iba pang lamang-dagat sa lugar.

Aniya, malaki ang posibilidad na dulot ito ng overfishing, climate change at pagpatatayo ng isla sa WPS.

Iminungkahi rin ni Anticamara na dapat paigtingin pa ng pamahalaan ang monitoring at assessment sa epekto nito sa reef biodiversity.