Inatasan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na huwag lumaban sa kabila ng agresibong hakbang ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, binalewala lamang ni Commodore Jay Tarriela, spokesperson ng National Task Force for the WPS, ang mga naging puna ng publiko hinggil sa hindi paglaban ng mga tauhan ng PCG sa pangha-harass ng CCG sa WPS.
Ikinatwiran ni Tarriela, sumusunod lamang ang PCG sa chain of command.
"We have a chain of command. We respect the guidance of our President. The guidance of the President is that we should not be provoked, we should not be the reason of intensifying the escalation for China to justify to once again bring the next level of aggression kung anuman ang plano nilang gawin,” pagdidiin ni Tarriella.
National
Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso
Aniya, ang naging damdamin ng publiko dahil sa insidente ay katulad din ng nararamdaman ng PCG personnel.
“But we cannot do otherwise because we have to comply and we know for a fact – we trust our Commander-in-Chief, the National Task Force-West Philippine Sea, of course the National Security Adviser – but we have to maintain professionalism in dealing with this kind of bullying of the Chinese Coast Guard,” aniya.
Hindi rin aniyang makatwirang tawaging "duwag" ang mga tauhan ng PCG dahil tinutupad lamang nila ang makabayang tungkulin.