Sinagot ni Star Magic Head at direktor ng "Pinoy Big Brother: Gen 11" na si Direk Laurenti Dyogi ang hindi mamatay-matay na isyung simula raw ng unang season ng PBB, may mga nakalinya o napili na silang housemates bago pa man ang auditions.

Muling lumutang ang isyung ito matapos ang pagdagsa ng libo-libong auditionees sa iba't ibang mall para sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya.

Sa social media platform ng PBB, sinagot ni Dyogi ang tungkol sa intrigang ito.

"Bakit pa nagpapa-audition eh may mga napili nang housemates dyan!

Tsika at Intriga

Enchong Dee, nag-react sa isyu ng MaThon

Ito ang sagot ni Direk Lauren sainyo," mababasa sa caption ng post.

Sey naman ni Dyogi, "Paulit-ulit na lang pong nasasabi, na, 'Meron nang napili diyan...' sa totoo lang ho, huwag na ho kayong... 'pag kayo ganiyan, you're either... you are just spreading a fake news or naniniwala kayom masyado sa fake news."

"I'm going to put my integrity on the line in saying hindi po totoo 'yan, na may napili na po kami. There's a whole management decision that comes with it... my decisions are also just affirmed or not affirmed at the end of the process."

"You just have to trust the process and enjoy the process," giit pa ng direktor.

[embed]

Ang goal kasi nila ay hanapin ang 12 hanggang 14 na housemates na sigurado silang susundan ng mga manonood gabi-gabi.

Giit pa ni Direk Lauren, nagsisimula ang pagtingin nila sa auditionees hindi sa paghawak ng mikropono o pagharap sa kanila kundi sa pagdating pa lang sa venue: kung paano lumakad, tumindig, at dalhin ang sarili.

[embed]

Nagbigay rin ng tips ang direktor kung paano mag-stand out upang mapansin ng panel sa audition.