Nagbigay na ng pahayag si Kylee Dioneda, ang organizer at producer ng event sa Occidental Mindoro kung saan tampok bilang guest performer ang “Orange & Lemons” at ang Kapamilya star na si Francine Diaz.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Sabado, Mayo 4, humingi ng paumahin si Kylee at inaako ang lahat ng pananagutan sa nangyaring isyu ng paniningit sa event.

"Unang-una po sa lahat, humihingi po ako ng pasensya sa mga nangyari. Ito po talaga ay miscommunication lang po ng lahat, sa dami po ng nangyari that time sa event," paliwanag ni Kylee.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng ABS-CBN News, na-delay daw ng dalawang oras ang event. Nakatakda umanong mag-perform si Francine sa huling bahagi ng programa na papatak ng 9:00 pm hanggang 10:00 pm samantalang ang “Orange & Lemons” naman ay mauuna sa aktres.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Pero humiling umano ang kampo ni Francine na mauna na muna dahil isa lang naman daw ang kakantahin nito. Pumayag naman ang organizer at nagbigay ng go signal nang hindi naabisuhan ang banda tungkol sa naging pagbabago ng programa.

Dahil dito, nagsimulang lumutang ang isyu ng paniningit umano ni Francine sa performance ng “Orange & Lemons” nang makuhanan ng video ang naturang eksena.

MAKI-BALITA: Francine ‘agaw-eksena’ raw sa Orange & Lemons; netizens, nanimbang sa isyu

Matatandaang nagbigay pa nga ng pahayag ang lead guitarist at frontman ng banda na si Clem Castro dahil sa nangyari.

MAKI-BALITA: Clem Castro ng Orange & Lemons, bumoses: ‘Sana walang sumisingit, respeto lang!’

Samantala, ipinagpalagay naman ng ilang netizens na ang isang social media post ni Francine matapos ang event ay tila patutsada niya sa naturang banda.

MAKI-BALITA: Francine tungkol sa respeto, sagot sa pasaring ng Orange & Lemons?

Pero sa parehong panayam ay nilinaw nina Francine at Clem na okay na silang dalawa at humingi na ng dispensa sa isa’t isa.