Karamihan sa mga netizen ay hindi nagustuhan ang pabirong hirit ni "Eat Bulaga" host Joey De Leon sa Dabarkads host na si Miles Ocampo na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Mayo 1, 2024.

Sa kumakalat na video clip sa X na mula naman sa noontime show, maririnig na nagbigay ng birthday wish sa kaniya ang isa sa mga host na si Tito Sotto III.

"Wala akong masasabi kundi pataas! Pataas 'yong edad eh!" ani dating senate president.

"Pataas!" sey naman ng ilang EB co-hosts.

Tsika at Intriga

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila

Maya-maya, bigla namang sumingit ng hirit si Joey.

"Pataba... eh, pababa..."

Kapansin-pansin namang walang natawa o pumansin sa mga host sa naging banat ni Joey. Sinabi ni Vic na mag-blow na siya sa kaniyang cake na inihanda para sa kaniya.

[embed]https://twitter.com/pantr0picock/status/1786290979512934778?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1786290979512934778%7Ctwgr%5Eb39778824ca1fe29a8f14fdc0d5ea609a5a20eb2%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fnewspapers.ph%2F2024%2F05%2Fjoey-de-leon-criticized-for-joking-about-miles-ocampos-weight-gain%2F[/embed]

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen.

"Walang character development itong Joey De Leon na ito!"

"Eh dapat right there and then sumagot si Miles kung naoffend siya. Wala naman eh. Unlike sa audience before sabi niya 2024 na di na uso body shaming. O baka natakot siya at napipi siya kay Lolo Joey Hahaha."

"Buti hindi siya sinupalpal ni Maine Mendoza, nasa tabi pa naman niya."

"Ewan ko. May issue ko sa mga matatanda na nang ookray talaga. Hahahaha!! Pero pag same age ko okay lang. hahahahaha!"

"You can sense na off ang hirit kaya di nila pinansin. Grabe nagka-cancer nga s'ya na-depress nga sya sabi sa interview with Karen Davila bastos talaga."

Matatandaang sinagot na ni Miles ang dahilan ng kaniyang pag-gain ng weight matapos magkaroon ng health concern sa kaniyang thyroid.

Nakipag-ugnayan naman ang Balita kay Miles upang hingin ang kaniyang reaksiyon, o kung personally ay na-offend ba siya sa hirit ni Joey, subalit wala pa siyang tugon. Wala pa ring reaksiyon, tugon, o pahayag si Joey tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.