Nauwi sa labis na kalungkutan ang “happiest day” ng isang guest sa 'EXpecially For You' ng ‘It’s Showtime.’

Sa May 3, episode ng 'EXpecially For You' ibinahagi ng guest na si Jerieh na nagsimula ang lovestory nila ng kaniyang namayapang asawang si Patrick sa isang simbahan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa usapang kasal naman, “magical” kung ilarawan ni Jerieh ang kasal nila ni Patrick noong Oktubre 6, 2018. Dahil aniya, first time raw niya mag-celebrate ng isang event na kasama ang buong pamilya.

Nabuksan din ni Jerieh ang topic kung ano nangyari kay Patrick no’ng araw ng kasal nila. Kuwento niya, pinanonood na nila ang same-day-edit ng kanilang kasal, nakita niyang nahihilo na si Patrick. Inisip na lang daw niya dahil ito sa init at pagod na rin.

Inabisuhan niya ‘yung kaibigan nilang host na samahan na si Patrick pabalik sa hotel room. Paglabas daw nito sa reception, nahimatay na ang kaniyang asawa.

Nakuha pa nga raw tumayo nito kalaunan at sinabi sa kaniyang okay lang ito pero dinala pa rin nila ito sa ospital para mapanatag ang loob nila.

Paliwanag umano ng doktor kay Jerieh, nalulunod daw sa tubig ang organs ni Patrick. Kinabukasan, Oktubre 7, bandang alas-tres ng hapon, namatay ang asawa niya.

“Tatlong beses siyang nirevive tapos lahat sila nagtatanong kung ano nang gagawin kasi asawa ako. ‘Yung parang ikaw na, ikaw na ‘yung magdedesisyon sa kaniya. Bakit ako ‘yung magdedesisyon parang ilang oras pa lang, halos 22 hours pa lang kaming kasal, bakit ako ‘yung magdedesisyon?” kuwento ni Jerieh. Pinakinggan niya pa raw ang heartbeat ni Patrick pero wala na raw talaga.

“After the wedding, sobrang saya no’ng nangyari and then biglang patay na. So parang unreal po. Hindi maintindihan kung bakit. Full of question ako ng why?, bakit sa akin, bakit sa araw na ‘yon?’ dagdag pa niya.

Nagalit daw siya sa sarili niya dahil hindi niya alam na may sakit si Patrick, tinago raw kasi nito na may sakit siya.

Nalaman lang nilang may sakit si Patrick no’ng inaayos nila ‘yung mga gamit nito. Kwento ni Jerieh, 2015 pa may sakit sa puso ang yumaong asawa.

“Tinago niya po sa akin, sa pamilya niya. Hindi po alam ng pamilya niya.”

Matapos ang anim na taon, masasabi ni Jerieh na okay na raw siya.

Katunayan, mukhang may magpapatibok muli sa puso ni Jerieh sa katauhan ni Carlo, 35, isang propesor.