Viral ang Facebook post ng isang page tungkol sa napitikang paskil ng presyo ng mga mangga sa isang supermarket sa Zamboanga, na bago ka mapabili ay magko-compute ka muna.
Hindi kasi tipikal at basta-basta ang pag-alam sa presyo ng mangga per kilo dahil kailangan pang kuwentahin ang Math problem na kaakibat nito.
"Jushua bought 3kg of ripe mangoes from KCC Supermarket. He paid 1,000 pesos and received 571 pesos as change. How much is the kilo of the ripe mangoes?" mababasa sa paskil.
Disclaimer naman ng FB page na "Math n Meme," nakuha nila ang larawan sa Facebook page ng KCC Supermarket de Zamboanga na matatagpuan sa nabanggit na lalawigan.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"143/kg.. hindi nmn mahirap i-compute.. lahat na ng tao may hawak ng phone kahit saan magpunta. VERY ACCESSIBLE na ang calculator. Magandang idea somehow... Lalo na ngayung tulad ko malilimutin na kase tumatanda na😂😂😂, perfect brain excersices na din😅🤣"
"143 per kilo. (Bored ako kaya kinompute ko talaga.)"
"Mukhang maasim pa yung mangga. Next time na lang po ako bibili."
"ubas po talaga ang inapabili saken ng anak ko kaya lamang antagal kung nakapila sa cashier nag compute na rin ako.hahaha eme eme lang"
"wag ka nalang mag mango float.. buko pandan nalang"
"Hilaw kasi sana bibilhin ko eh. Hindi ripe. Hahaha"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 9.6k reactions, 5.1k shares, at 1.4k comments ang nabanggit na viral post.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!