Tila natawa na lamang ang aktres na si Andi Eigenmann sa kumakalat na tsikang hiwalay na umano sila ng partner niyang si Philmar Alipayo.

Sa Instagram story na ibinahagi ni Andi nitong Biyernes, Mayo 3, mababasa ang reaksiyon niya sa naturang isyu.

“I literally went on a vacation with my brother and our kids, and [came] home to find out, through the internet, that I’ve just been separated,” saad niya sa text caption na may kasamang laughing emoji.

“The internet didn’t seem to like that I was grieving the loss of my nanay. Apparently, according to them, I had been faking my sadness about it all along. (Not enough social media posts perhaps?),” aniya.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Dagdag pa niya: “Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that I have recently been an orphan but in fact, a divorcee (even if I had never been married). Helpppp.”

Photo Courtesy: Andi Eigenmann (IG)

Photo Courtesy: Andi Eigenmann (IG)

Matatandaang isang netizen ang tila minasama ang tribute post ni Andi para sa kaniyang inang si Jaclyn Jose noong nakaraang buwan. Na bagama’t maganda raw ang mensahe niya para rito ay hindi na naman nito mababasa pa dahil huli na ang lahat.

MAKI-BALITA: Andi may tribute ulit sa ina; tinalakan ng netizen, ‘Sana noong buhay pa!’