Hindi maganda ang sinapit ng nagmalasakit na nurse matapos pagbibirilin ng tinulungan niyang motorcycle rider na sumemplang sa Caloocan.

Sa isang TV report, kinilala ang biktima na si Mark John Blanco, 39. Kinilala rin ang suspek na si Joel Vecino, 54, isang security officer.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa inisyal na imbestigasyon sinabi ni Police Major Segundino Bulan Jr., hepe ng Caloocan Police Sub-Station 9, pauwi na si Blanco nang tulungan nito si Vecino matapos sumemplang sa sinasakyang motorsiklo.

Ngunit nang maitayo ang motor at hindi na mapaandar, nagalit ang suspek na naging dahilan kung bakit niya pinagbabaril sa ulo at braso ang biktima.

"Naawa siya dahil nakita niya, tinulungan niya itong suspek na itayo 'yong motor. Ngayon itong pagtayo ng motor hindi na mapaandar ng suspek 'yong motor kaya siya nagalit sa biktima. Bakit daw hindi na umaandar 'yong motor niya," anang Police Major.

Bukod kay Blanco, binaril din ni Vecino ang isa pang biktima na kinilalang si Willy Manarom, 39, na aawat lang sana sa suspek.

Agad namang naaresto ng Caloocan Police ang suspek matapos ang insidente. Nabawi rin mula rito ang ginamit na baril na kargado ng tatlong 9mm shell casings.

Mahaharap sa kasong double murder sa suspek.