Nasa kabuuang ₱2.18 bilyon ang naitulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.
Siinabi ng DA, kabilang sa naipamahagi ang ₱658.22 milyong halaga ng agri-inputs, fertilizers, planting materials, pumps, at engines mula sa DA regional field offices.
Mahigit sa ₱1 bilyon ang naipamahaging na financial assistance sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa Regions I| at IV-B.
Umabot naman sa ₱8 milyong makinarya ang naipamahagi ng ahensya, at ₱77.50 milyong halaga ng Survival and Recovery (SURE) Aid Loan ang inilabas ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Tuluy-tuloy naman ang pamamahaging alternative livelihood sa mga mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Regions V, VII, at IX.