May mensahe ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga public figure na katulad ni Kapuso star Bea Alonzo na nagsampa sa kaniya ng kasong cyber libel.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Mayo 3, sinabi ni Cristy na unawain daw sana ng mga public figure ang kalikasan ng kanilang propesyon.
“Hindi maaari na ang gusto n’yo lang ang aming sabihin. Kayo po ay public figures, kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium. Sabi ko nga, [...] kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium,” pahayag ni Cristy..
“Ang publiko po ay nakatanaw sa inyo. Bawat galaw n’yo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw. Wala kayong maaaring ligtasan. Kaya public figures kayo, huwag masyadong balat-sibuyas,” aniya.
Pero paglilinaw ng showbiz columnist: “‘Yong karapatan mo, Bea Alonzo, para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at iba pa naming kasama, ‘yan ay hindi namin hinaharangan. Pero kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang bibig, opinyon, at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo.”
“Gumawa ka ng mabuti, Bea Alonzo, patuloy kitang papalakpakan. Patuloy kitang pupurihin. Pero kapag ikaw ay nagkakamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming paaalalahanan,” saad pa niya.
Samantala, sa isang bahagi ng programa ay inungkat ni Cristy ang mga ginawa niya umanong pagtatanggol kay Bea sa loob ng mahabang panahon.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, mahabang panahong ipinagtanggol ni Cristy Fermin: ‘Kinalaban ko po ang lahat!’
Bukod dito, pinabulaanan din ng showbiz columnist ang paratang ng kampo ni Bea na pinagkakakitaan umano niya ang aktres.
MAKI-BALITA: Cristy Fermin, itinangging pinagkakakitaan si Bea Alonzo