Paliwanag ng BuCor, ang naturang bilang ng PDLs ay mas mataas kumpara sa pinalayang 783 nitong Marso.
Nilinaw naman ni BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., kabilang sa mga pinalaya ang 548 presong tapos na ang sentensya, 161 ang nabigyan ng parole, 67 ang pinawalang-sala, 28 ang nabigyan ng probation at ang isa para sa habeas corpus.
Kaugnay nito, ipinasok na si Simeon Raz sa Reception and Diagnostic Center ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City habang ang model na si Deniece Cornejo ay na-admit na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Sinabi ni Catapang na wala pa silang natatanggap na commitment order ng negosyanteng si Cedric Lee na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ng gabi.
Nauna nang inihayag ni Catapang na hindi na sila tumatanggap ng preso sa NBP dahil sa isinasagawang decongestion program.
Nitong Huwebes, hinatulan ng Taguig Regional Trial Court sina Lee, Cornejo, Raz at Ferdinand Guerrero ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 40 taon matapos silang mapatunayang nagkasala sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host at komedyanteng si Vhong Navarro.
Ang insidente ay naganap sa tinutuluyang condominium ni Cornejo sa Taguig noong Enero 22, 2014.
PNA