Yumanig ang isang magnitude 6.0 na lindol sa probinsya ng Leyte nitong Biyernes ng gabi, Mayo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:16 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 32 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Dulag, Leyte, na may lalim na 8 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Intensity VI - Dulag, LEYTE

Intensity V - Abuyog, Mahaplag, and Buruaen, LEYTE

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks ng lindol.

Maaari rin umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.