Umakyat na sa ₱5.9 bilyon ang halaga ng pinsalang dulot ng matinding tagtuyot sa sektor ng agrikultura.
Ito ang pahayag ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa nitong Huwebes at sinabing batay ito sa ulat ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center,
Aniya, nasa ₱3.1 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa rice sector, ₱1.76 bilyon sa mais, at pumalo naman sa ₱958 milyon ang pinsala sa high value commercial crops.
Nakapagtala ng pinakamalaking pinsala sa MIMAROPA o Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan (Region 4B) na sinundan ng Western Visayas, Cordillera at Cagayan Valley region.
Kaugnay nito, nangako ang ahensya na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.
Binanggit pa ng DA ang pamamahagi ng financial assistance, farming machineries, fishing equipment, seedlings, composting facilities, at paglalatag ng irrigation projects.