Muling naitala sa Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary hunger” nitong Marso 2024, ayon sa Social Weather Stations Report (SWS).
Base sa tala ng SWS, 19% ng mga pamilyang Pilipino sa Metro Manila ang nakaranas ng gutom ngunit walang makain sa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
“Compared to December 2023, the incidence of hunger rose significantly by 6.3 points in Metro Manila, from 12.7% to 19.0%,” anang SWS.
Ang naturang pagtaas daw ng datos sa Metro Manila raw ang isa sa mga naging dahilan kaya’t pumalo sa 14.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino sa bansa na nakaranas ng “involuntary hunger” nitong Marso 2024.
Ito ang pinakamataas na naitala mula sa hunger rate noong Mayo 2021, ayon sa SWS.
https://balita.net.ph/2024/05/02/pinakamataas-mula-2021-14-2-sa-mga-pinoy-nakaranas-ng-gutom/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR0bs-VvpUqcAE7uea_Xh0Z2w-C33ZKLxbHkjSUVzzHQ1QKk7R_Su-efwNw_aem_Aav_WoVZ5cIq_XJt8Wiv-ejqcQRw348by-b6bOgEi1X0sMO10HborX1rtbaEMHQGr20-twk7tH0IDHLtZdRgQ-nu
Samantala, tumaas din naman ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa Visayas, mula 9.3% noong Disyembre 2023 patungo sa 15% nitong Marso 2024, maging sa Balance Luzon o mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila, mula 14.3% patungo sa 15.3%.
Bumaba naman umano sa 3.3 puntos ang hunger rate sa Mindanao, mula 12% noong Disyembre 2023 patungo sa 8.7% nitong Marso 2024.