Umabot sa 14.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary hunger” nitong Marso 2024, pinakamataas mula sa datos noong Mayo 2021, ayon sa Social Weather Stations Report (SWS).

Sa tala ng SWS, ang naturang porsyento umano ng pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom ngunit walang makain sa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan ay 3.5 puntos na mas mataas sa annual hunger rate noong nakaraang taon.

“The March 2024 hunger figure was 3.5 points above the 10.7% annual hunger rate of 2023, and the highest since 16.8% in May 2021,” anang SWS.

Naitala umano sa Metro Manila ang pinakamataas na datos ng “involuntary hunger” sa 19%. Sinundan ito ng Balance Luzon o mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila (15.3%), Visayas (15.0%), at Mindanao (8.7%). 

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Isinagawa raw ng SWS ang nasabing survey mula Marso 21 hanggang Marso 25, 2024, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,500 indibidwal sa bansa na ang edad ay 18 pataas.