Nasa ₱2 milyon ang halaga ng pinsala sa BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Bagacay dulot ng pambobomba ng tubig ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal nitong Martes.

Ito ang natuklasan matapos inspeksyunin nina PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo at PCG-National Capital Region head, Commodore Arnaldo Lim ang nasabing barko na nakadaong sa Pier 13 sa Manila South Harbor nitong Huwebes. 

Paliwanag ni Lim, kabilang sa napinsala sa nasabing barko ang port railings nito, LED screen display, at steel canopy.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Kabilang ang BRP Bagacay sa nagsasagawa ng routine humanitarian mission sa naturang karagatan nang makatikim ng pangha-harass ng mga barko ng China nitong Abril 30.