Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na ibigay ang pinakamagandang serbisyo para sa mga Pilipino na hanggang ngayon ay uhaw pa rin daw sa pagkakaisa.

Sa nangyaring oathtaking ng mga bagong miyembro ng PFP sa Diamond Hotel sa Maynila nitong Miyerkules, Mayo 1, sinabi ni Marcos na ayaw na ng mga tao ang nag-aaway-away dahil sa politika.

“Uhaw pa rin ang tao para sa pagkakaisa. Talagang sa aking palagay, hanggang ngayon ang tao ay ayaw na nila ng nag-aaway, ayaw na nila ang walang nangyayari dahil puro politika na lang ang pinaglalaban. Ganoon ang aking naramdaman mula nang Mayo noong 2022, para sa akin, maliwanag na maliwanag ‘yan. Kaya buuin natin ang ating grupo at laging nasa isip natin na ang ginagawa natin ito ay para makapagserbisyo nang mabuti sa taong bayan,” ani Marcos. 

“So, to the newly sworn in members of the PFP, welcome. I hope, and we will make sure that you will find a political home here in the Partido Federal, and beyond that, let us work together, and let us continue to keep in mind that the best way for us to serve our people is to come together and to work as one,” dagdag pa niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Si Marcos ang tumatayong chairperson at pangulo ng PFP, isang national political party na itinatag noong 2018.