Inamin ni "It's Showtime" host Vhong Navarro na dahil sa kaniyang mga pinagdaanan, paminsan-minsan ay sablay ang mga binibitiwan niyang hirit at punchline sa noontime show, bagay na napansin na rin ng ilang netizens at pinag-usapan na rin sa X.

Bukod sa Diyos, legal team, at pamilya, malaki ang pasasalamat ni Vhong sa ABS-CBN executives dahil sa paniniwala at hindi pagtalikod sa kaniya, gayundin sa kaniyang mga kasamahan sa Showtime.

Binigyang-pagkakataon si Vhong na makapagbigay ng mensahe sa panimulang bahagi ng programa nitong araw ng Huwebes, Mayo 2, matapos hatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang mga kinasuhang sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at dalawa pang kasama, para sa asuntong "serious illegal detention for ransom" kaugnay ng kinasangkutan nilang insidente sa isang condominium unit noong 2014.

MAKI-BALITA: Vhong nagpasalamat matapos hatulan ng reclusion perpetua sina Deniece, Cedric

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Maraming salamat kasi hinahabaan n'yo ang pasensya n'yo kasi minsang lutang ako, roller coaster ang pinagdaanan ko, hirap explain, minsan sabaw ako rito eh, pero nandiyan kayo, kahit 'yong mga bitaw ko, mga hirit ko is sablay, papuntang Norte, papuntang South... hindi ko alam, pero nandiyan kayo to support me, dahil alam kong mahal na mahal n'yo ako," aniya.

Mas naging emosyunal naman si Vhong nang magbigay ng mensahe at pasasalamat sa misis na si Tanya Bautista-Navarro.

"Of course, kay Tanya. Naku, marami akong pagkukulang sa 'yo. Hindi mo ko iniwan. Marami akong kasalanan pero nandiyan ka pa rin. Hayaan mong bumawi ako sa 'yo, sa abot ng aking makakaya, hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Salamat," madamdaming mensahe ni Vhong para sa misis.

MAKI-BALITA: Maraming pagkukulang, kasalanan: Vhong, emosyunal sa misis na hindi nang-iwan