Naniniwala ang isang mambabatas na ang mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita ng Araw ng Manggagawa nitong Mayo 1 ay para sa mga pumupuna sa kaniyang mga foreign trip.

Sa isang press conference nitong Huwebes, Mayo 2, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Taguig City 2nd district Rep. Amparo Maria "Pammy" Zamora na sa tingin niya ay iniisip ni Marcos ang “bashers” ng kaniyang foreign trips habang inihahayag niya ang P1.7 trilyong halaga ng investment na nakuha ng bansa noon lamang 2023.

"I think sinabi to ng Presidente kasi napakaraming pumupuna pagka-bumabyahe siya. Siguro isang paraan ito ng Presidente para ipamukha sa kaniyang mga basher na ito ang produkto ng kaniyang pagba-byahe," ani Zamora.

Ayon pa sa mambabatas, marami raw mga taong nagbibilang sa mga foreign trip ni Marcos. Gayunpaman, ipinapakita raw ng halaga ng investments na nakuha ng bansa na talagang nagtatrabaho ang pamahalaan sa mga travel ng pangulo. 

National

PBBM, inalmahan banat ni ex-Pres. Duterte: ‘We don’t make pasyal’

"Napakaraming tao na kada biyahe niya, binibilangan siya kung ilan na ba yung byahe na foreign trips, kung ilang beses na ba siya lumabas, sinong ang kasama niya," saad ni Zamora.

"Pero kita naman natin sa innanounce niya na almost P1.7 trillion in investments and inani natin… Nagtatrabaho talaga ang ating pamahalaan," dagdag pa niya.

Kaugnay nito, matatandaang namang noong buwan ng Marso ay umalma si Marcos sa naging banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “namamasyal” lang siya sa kaniyang mga foreign travel.