Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umaabot sa 7,734 ang bilang ng mga pampublikong paaralan sa bansa na nagsuspinde ng face-to-face classes nitong Huwebes bunsod ng matinding init ng panahon.

Batay sa datos na inilabas ng DepEd, nabatid na pinakamaraming paaralan na nagsuspinde ng F2F classes sa Western Visayas, na nasa 1,613.

Sinundan naman ito ng Central Luzon na nasa 1,254; Bicol na nasa 1,181; at Zamboanga na nasa 666.

Sa National Capital Region (NCR), nasa 252 paaralan naman ang nagsuspinde ng in-person classes.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang mga naturang paaralan ay inatasan namang magdaos ng alternative mode of learnings.

Nabatid na mayroong 47,678 public schools sa bansa.