Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes si Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong hinggil sa isa na namang insidente ng pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng routine humanitarian mission sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal kamakailan.

Sa pahayag ng DFA, iprinotesta nito ang agresibong hakbang ng China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels laban sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes, Abril 30.

"The Philippines demanded that Chinese vessels leave Bajo de Masinloc and its vicinity immediately," bahagi ng pahayag ng DFA kasunod ng panghaharang, delikadong pagmamaniobra at pambobomba ng tubig sa mga barko ng Pilipinas.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Malaking bahagi ng barko ng PCG at BFAR ang napinsala dahil sa insidente, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).

Kinumpirma naman ni DFA Spokesperson Teresita Daza, nasa 153 diplomatic protest ang naitala ng Pilipinas laban sa China sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

PNA