Nasa kustodiya na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee matapos hatulan ng Taguig Regional Trial Court ng 40 taong pagkakakulong, kasama ang tatlong iba pa, kaugnay sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor at television host na si Vhong Navarro noong 2014.
Ito ay makaraang maiulat na sumuko si Lee sa NBI nitong Huwebes ng gabi.
Bukod kay Lee, pinatawan din ng reclusion perpetua ang modelong si Deniece Cornejo at dalawang kasamahan na sina Ferdinand Guerrero, at Simeon Razguilty matapos silang mapatunayang nagkasala sa kasong serious illegal detention for ransom.
National
Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso
"It is all too apparent that the accused planned and premeditated to restrain Vhong Navarro to extort money from him. Proof of their agreement is inferred from their conduct before, during, and after the commission of the crime," ayon sa desisyon ng hukuman.
Kinansela na ng korte ang bail bond ng apat na akusado.