Nagbigay ng reaksiyon ang Vivamax sexy actress na si Angeli Khang kaugnay sa pagkakadawit niya sa breakup ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa eksklusibong panayam ng "Updated With Nelson Canlas” nitong Martes, Abril 30, nilinaw ni Angeli na wala raw siyang kinalaman sa hiwalayan nina Bea at Dominic.

"Fake news po, fake news siya," saad ni Angeli.

“Tingin sa akin ng mga tao 'pag lumalabas ako na taray na taray talaga sa akin, parang ako talaga ‘yong reason ng breakup nila. Gusto kong mag-explain sa kanila, wait hindi po, hindi po kami magkakilala," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa ng sexy actress: "Every time po na lumalabas ako, nakikita ko 'yong mga tingin sa 'kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako. Kaya no’ng time na 'yon hindi muna ako lumabas nang one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat."

Tila hindi na mailalayo pa kay Angeli ang mga intriga. Matatandaang kamakailan lang ay kinantiyawan ng mga netizen ang jowa ni “Black Rider” star Ruru Madrid na si Bianca Umali nang ipalabas ang video teaser ng naturang teleserye kung saan tampok ang karakter ni Angeli bilang “Nimfa.”

MAKI-BALITA: Bianca Umali, dapat kabahan sa pagpasok ni Angeli Khang sa ‘Black Rider?’

MAKI-BALITA: Angeli Khang ‘nagpatikim’ na kay Ruru Madrid