Isang magandang balita ang hatid ng Film Development Council of the Philippines para sa mga nagsisimulang manunulat sa pelikula at telebisyon.

Sa Facebook post kasi ng FDCP nitong Martes, Abril 30,  inilunsad nila ang libreng screenwriting workshop sa pakikipagtulungan ng Filipino Screenwriters Guild (FSG).

Bukas ang naturang workshop para sa mga aspiring Filipino screenwriter na nasa edad 18 pataas na wala pang anomang propesyunal na karanasan sa pagsusulat ng script, hindi pa nakapagtatampok ng isang komersiyal na pelikula, at hindi pa nakakasali sa mga film festival sa loob at labas ng bansa.

Para sa mga interesadong aplikante, kailangang maisumite hanggang Mayo 17,  2024 ang mga mababanggit na requirement sa link na ito: https://fdcp.ph/SW-Workshop2024

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

1 hanggang 2 story concept na nakasulat sa wikang Filipino o English at hindi lalampas sa 500 ang bilang ng mga salita. Pwede ring ipasa ang story concept na nakasulat sa iba pang wika sa Pilipinas basta’t may kalakip na salin sa Filipino o English.

Bukod dito, kinakailangan ding magpasa ng isang sanaysay kung saan itatampok ng aplikante ang kaniyang natatanging boses, pananaw, kultural na kaligiran, at pagmamahal sa pagkukuwento. Hindi rin dapat lalampas sa 500 ang bilang ng mga salita.

Bahagi ng kahingian na dapat ay orihinal at hindi kinopya sa kung saan, anoman, o sinoman, ang isusumiteng komposisyon.

Sa darating na Hunyo 24 nakatakdang ianunsiyo ang 20 kalahok na maswerteng mapipili sa naturang workshop.