Upang ipakita ang kahalagahan ng mga puno, kumasa ang isang environmental activist mula sa Ghana sa challenge na basagin ang isang world record, at niyakap ang mahigit 1,000 puno sa loob lamang ng isang oras.

Sa ulat ng Guinness World Records (GWR), kinilala ang environmental activist at forestry student na si Abubakar Tahiru, 21, bilang record holder ng “most trees hugged in one hour.”

Niyakap daw ni Abubakar ang 1,123 puno sa loob ng isang oras, o halos 19 puno kada minuto. Kaya naman, nalampasan niya ang minimum requirement ng GWR na 700 puno at naging first holder na nga ng nasabing world record.

Kuwento ni Abubakar sa GWR, mahalaga sa kaniya ang record dahil lumaki siya sa isang farming community sa Tepa, Ghana, kung saan niya na-develop ang kaniyang interes sa nature at pag-conserve nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kaya naman nang matapos daw niya ang kaniyang undergraduate degree sa forestry sa isang unibersidad sa Ghana, lumipat siya sa Alabama, USA, noong nakaraang taon para simulan ang kaniyang master’s degree in forestry sa Auburn University.

“His record attempt took place at Tuskegee National Forest, one of four national forests in the timber-rich state of Alabama,” anang GWR.

“For the purposes of this record, a hug is defined as both arms wrapped around a tree in a close embrace. No tree may be hugged more than once, and no damage can be caused to any tree or else the attempt is disqualified,” dagdag nito.

Bagama’t nahirapan si Abubakar sa pagbasag ng naturang record lalo na’t hindi raw siya uminom ng tubig dahil nagfa-fasting siya para sa Ramadan nang mga sandaling iyon, hindi niya pinagsisisihang gawin ito.

“Achieving this world record feels incredibly rewarding,” ani Abubakar.

“It's a meaningful gesture to highlight the crucial role of trees in our ecosystem and the urgency of environmental conservation,” saad pa niya.