Nagpaabot ng pagbati ang GMA Network sa pagdiriwang ng kaarawan ni "Eat Bulaga" host Vic Sotto noong Linggo, Abril 28.

Kahit wala na ang "Eat Bulaga" sa poder ng Kapuso Network at nagkaroon pa nga ng demandahan sa isyu ng copyright at intellectual property ay hindi pa rin nakalimot ang dating tahanan ng longest-running noontime show, na nasa TV5 na ngayon.

"Isang malakas na hiyawan at palakpakan para sa kaarawan ni Bossing!" mababasa sa birthday greetings art card na naka-upload sa Facebook page ng GMA Network.

"Happy Birthday Vic Sotto!" saad pa.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Kahit wala na ang Eat Bulaga sa Siyete, may sitcom pa naman si Bossing Vic at ito ay "Open 24/7" kasama sina Jose Manalo at Maja Salvador.