Matutuloy na ang isasagawang operasyon kay “Pambansang Ginoo” David Licauco para malunasan na ang iniinda niyang sleep apnea.

Ang sleep apnea ay isang kondisyon kung saan habang natutulog ay tumitigil ang paghinga ng isang isang taong mayroon nito. Natuklasan ang nasabing sakit kay David noong siya 16 anyos.

Kaya naman, sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News nitong Lunes, Abril 29, hiniling ni David na ipanalangin siya sa kaniyang operasyon.

Bukod kasi sa kaniyang kalusugan, gusto na rin daw ni David na i-improve ang kaniyang sarili para hindi na isipin pa ng ilang tao na mataray at suplado siya.

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Matatandaang kamakailan lang ay marami raw ang nagtanong sa isang social media post kung likas nga ba talagang katangian ito ng aktor.

Pero ayon kay David: “That time 'yan 'yong peak na naramdaman ko 'yong sakit ko. Naalala ko hindi ako makapagsalita dahil ‘yong phlegm ko, 'yong colds ko nandito lahat [sa dibdib].”

“Tapos sinisipon ako, nilalagnat ako. So syempre, kahit sino siguro na kapag may sakit ka e medyo wala ka sa mood. At on top of that, 1 a.m. na rin na 'yon," dugtong pa niya.

Gayunpaman, nauunawaan daw ni David ang sentimyento ng ilang fans kaya sinusubukan niya raw bumawi dahil hindi naman alam ng mga ito na may sakit siya.

Matatandaang sa isang vlog ni Kapuso star Bea Alonzo noong Hulyo 2023 ay nauna nang isiwalat ni David ang tungkol sa kaniyang sleep disorder.

MAKI-BALITA: David Licauco may sleep disorder kaya nale-late sa taping noon