Arestado ang tatlong lalaki dahil sa pagpatay umano sa isang aso sa Iligan City nitong Lunes, Abril 29.
Ayon sa pulisya ang tatlong suspek ay 52-anyos na sidewalk vendor, 54-anyos na janitor, at 42-anyos na walang trabaho.
Nakunan ng video ang mga suspek kung saan itinali at kinakaladkad ang aso sakay ng motorsiklo na kalaunan naging viral at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.
Nangyari umano ang insidente dakong 5:30 ng hapon nang i-report ito ng isang 55-anyos na concerned citizen na nagtitinda ng street food sa harap ng isang ospital.
Narekober naman ang labi ng naturang aso.
Hinala ng pulisya na sinadya ang pagpatay sa aso.
Dinala na ang mga suspek at labi ng aso sa Iligan City Police Station 1 (ICPS1) para sa dokumentasyon.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998.
Bonita Ermac