Nagbigay ng payo ang showbiz insider na si Ogie Diaz para sa nagbabalik-tambalang sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa pelikulang “Unhappy For You.”

MAKI-BALITA: Joshua Garcia, ‘di kayang bumalik sa pelikula nang wala si Julia Barretto

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Abril 28, sinabi ni Ogie na iwasan muna nina Julia at Joshua na mag-post ng mga sweet moment sa social media kasama ang kani-kanilang jowa.

“Bakit kailangan ‘di muna sila magpo-post ng mga picture nila ng mga sweet moments together with their respective partners?” tanong ng co-host niyang si Mama Loi.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

“Para buo pa rin ‘yong ilusyon ng mga tao, ng mga manonood. Na ‘yong kilig nila, buo pa rin. Hindi mabibitin,” paliwanag ni Ogie.

“So, kapag may nakitang picture ni Gerald saka ni Julia, or picture ni Joshua saka ng girlfriend niyang athlete, ‘di ba? Mawawala ‘yong focus nila sa kilig na gusto nilang maramdaman sa JoshLia. So, dapat wala munang gano’n,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagkahiwalay sina Julia at Joshua noong 2019. Pero maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa pagkatapos ng breakup.

In fact, sa isang panayam ay pinayuhan pa raw ni Julia si Joshua na huwag munang mag-jowa dahil bata pa raw ito at mahusay na aktor.

MAKI-BALITA: Julia Barretto, pinagbawalang mag-jowa ang ex na si Joshua Garcia

Samantala, bago pa man ang kanilang movie comeback na “Unhappy For You,” nauna nang nagbalik-tambalan sina Joshua at Julia sa music video ng kantang “Paubaya” ni Moira noong 2021