Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kaselahin na ang pasaporte ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Abril 29, binatikos ni Hontiveros ang hindi pagpapakita ni Quiboloy sa Senado para sagutin ang mga kasong ibinabato laban sa kaniya.

“Imbes na magpakita sa Senado o sa mga korte, panay record ng audio message na tila nang-iinsulto pa sa kakayanan ng gobyerno na matunton siya. This is appalling. This should not be allowed to pass, but only challenge government more to exhaust all means to restrict his movements,” giit ni Hontiveros.

Kaugnay nito, binanggit ng senadora ang sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza kamakailan kung saan kapag kinansela umano ang isang pasaporte, ito na ay isang “red flag” para sa kaniyang anong aplikasyon sa lahat ng DFA consular offices sa loob man o laban ng bansa.

National

Hontiveros, pinuri pagkansela ng PNP sa firearms license ni Quiboloy

Samantala, sinabi rin ni Hontiveros na tatlo sa mga victim-survivor na nagbigay ng testimonya sa Senate Committee on Women hearings laban sa pastor ay mga foreign national, kaya’t tiwala raw siyang marami pang mga bansa ang handang makipagtulungan para panagutin ito.

“The world is closing in on him. He is accused of crimes that transcend continents and nationalities. Tiwala ako na maraming bansa ang handang makipagtulungan sa Pilipinas para papanagutin siya,” ani Hontiveros.

“Kung ang puganteng Kongresista ay nahuli, sana naman maaresto din ang puganteng religious leader. Maliit ang mundo. Hindi niya matatakasan ang batas habambuhay,” saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay pinuri naman ni Hontiveros ang naging aksiyon ng Philippine National Police (PNP) na tanggalan ng lisensya sa armas si Quiboloy.

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa tatlong arrest warrants, ang isa ay mula sa Davao City court, ang isa ay mula sa Pasig court, at ang isa naman ay ang mismong inihaing arrest warrant kamakailan ng Senado. ito ay may kaugnayan sa mga kasong tulad ng sexual abuse, human trafficking, at labor violations.

https://balita.net.ph/2024/03/19/zubiri-nilagdaan-na-arrest-order-vs-quiboloy/